Monday, February 6, 2017

I N T R O D U K S Y O N

          Ang pagkokompyut na ito ay para malaman natin kung magkano ang tamang buwis na dapat nating bayaran. Pero 'wag na muna tayo dyan sa buwis, magsimula muna tayo sa pinakasimula: kung saan nagsisimula ang ating pera. Nagsimula ito sa KITA. Ang kita ay ang pera na natatanggap ng isang tao galing sa kanilang trabaho. Dito nanggaling ang ating ipinagkokonsumo para sa ating pangangailangan at ipinangiimpok natin para sa mga posibleng mangyari.

         Pero saan nga ba natin iginagastos ang ating kita? Ito ang graph na magpapakita sa inyo kung paano hinahati ng karamihan sa mamamayan ang kanilang pera...


          Kung makikita niyo ay mas binibigyan pansin ng karamihan sa mamamayan ang PAGKAIN at ang EDUKASYON. Sumunod sa mga ito ang APPLIANCES, TRANSPORTASYON, KURYENTE, GAMOT AT IBA PA. Kasali sa 'iba' na ito ay ang BUWIS.


           Ano nga ba ang BUWIS at bakit may ganito? Ang buwis ay ang pera o salaping dapat bayaran ng mga tao sa pamahalaan. Ito ay pampagawa ng mga daan, paaralan, ospital at pagbuo ng lakas militar, at sa ibang hindi direktang silbing pamapamahalaan tulad ng regulasyon ng merkado at sistemang legal. Kinokolekta ito ng ating pamahalaan para magpagawa ng istraktura para sa ikau-unlad ng ating sariling bansa.

G U R O ( K O M P Y U T A S Y O N )

           Ang naka-assign sa akin ay ang mga guro. Ang GURO ay ang mga malalakas na taong handang magturo para lamang may kaalaman ang kabataan para sa kanilang hinaharap. Sila ay nagsasakripisyo ng oras at atensyon para lamang ipahayag ang mga nalalaman sa kabataan. Ngayon ay tulungan niyo kong kompyutin ang dapat nilang bayaran na buwis. Gawin nating halimbawa si Ma'am Sam.

' Si Ma'am Sam ay nagtuturo sa isang pampublikong paaralan. May isa siyang anak at tumatanggap siya ng Php23,000 na sahod kada buwan. Kaya sa isang taon ay may kabuuang kita na Php276,000. Magkano ang ibinabayad niyang buwis kada taon? '

          Unang-una na dapat mong hanapin ay ang Kabuuang Kita, at dahil given na ang kabuuan kita natin ay hanapin naman natin ang Exemption. Malalaman mo ang exemption sa isang listahan tulad nito...

Lagi lamang tayong tumingin sa New Tax Law. Dahil sinabi sa sitwasyon ay may isa siyang anak, ang exemption ay Php25,000. Ang susunod nating hahanapin ay ang Taxable Income. Makukuha mo lang ito kapag binawas mo ang exemption sa kabuuang kita. (Exemption-Kabuuang Kita) Kaya't ito'y magiging Php251,000

Ngayon ay nakuha mo na ang Taxable Income, sunod ay ang Annual Tax. Ang Annual Tax ay makikita sa isang talaan...

 Tignan niyo na lamang kung saan nabibilang ang halaga ng iyong Taxable Income sa talaang ipinakita. Kapag nahanap niyo na ay hahanapin niyo na ang excess. Ang excess ay mahahanap kapag binawas mo ang lowest rage sa halaga ng iyong tax income (Lowest Range-Tax Income) Sa sitwasyong ito, ang excess ay Php1,000. 

At dahil nahanap mo na ang excess, pwede mo ng kompyutin ang 'rate'. [ 50,000 + 30% (1,000)] Ang kalalabasan ay Php50,300. Dahil ang hinahanap natin ay ang halaga ng buwis na kanyang dapat bayaran KADA TAON, id-divide natin ang kinalabasan sa 12, dahil sa isang taon ay may 12 buwan.

Php50,300 / 12 = Php4,191.6

Ibig sabihin ay Php 4,191.6 ang kanyang dapat na binabayarang buwis kada taon.

P I N A S I M P L E N G  L I S T A H A N
(Upang maiklian ang pagpapaliwanag)

Kabuuang Kita: Php276,000
Exemption: Php25,000
(isang anak)
Taxable Income: Php251,000
(Kabuuang Kita – Exemption)
Annual Tax: 50,000 + 30% of excess over 10,000
Excess:  Php1,000
(Taxable Income – Lowest Range)
50,000 + 30% (1,000) = Php50,300
Tax Due: Php50,300/12= Php4,191.6

TIPS SA PAGGASTOS NG PERA

Ito ang aking inihandang 'tips' sa paggastos ng pera. Madami ng taong hindi napipigilan gumastos ng madami. Paano nga ba natin ito maiiwasan?


  • Laging ilista kung ano ang kailangan - Dapat lagi kang may listahan ng mga gamit na kailangan mo upang hindi mo ito makalimutan.

  • 'Wag munang tumingin sa kagustuhan - Ihuli natin ang ating mga luho upang mas matugunan natin ng pansin ang ating pangangailangan.

  • Limitado ang perang dadalhin - Hindi tayo pwedeng magdala ng sobrang daming pera, lalo na't wala din naman masyadong katuturan ang bibilhin.

  • "Kapag meron pa, 'wag muna" - Ang katagang personal na aking sinusunod. Kapag meron pa, 'wag na muna tayong gumastos para bumili ng panibago.

  • Magtabi agad ng halagang iipunin - Ito ang sinasabi na pag-iimpok

  • Bawasan ang luho - Dahil ang luho na ito ay ang magiging dahilan ng pagiging kapos para sa pangangailangan.

  • 'Wag ubusin ang pera (sa wallet) sa isang araw - Hindi porke't may laman ang wallet mo ay dapat mo ng gastusin lahat ng laman sa isang labasan lang.