Pero saan nga ba natin iginagastos ang ating kita? Ito ang graph na magpapakita sa inyo kung paano hinahati ng karamihan sa mamamayan ang kanilang pera...
Kung makikita niyo ay mas binibigyan pansin ng karamihan sa mamamayan ang PAGKAIN at ang EDUKASYON. Sumunod sa mga ito ang APPLIANCES, TRANSPORTASYON, KURYENTE, GAMOT AT IBA PA. Kasali sa 'iba' na ito ay ang BUWIS.
Ano nga ba ang BUWIS at bakit may ganito? Ang buwis ay ang pera o salaping dapat bayaran ng mga tao sa pamahalaan. Ito ay pampagawa ng mga daan, paaralan, ospital at pagbuo ng lakas militar, at sa ibang hindi direktang silbing pamapamahalaan tulad ng regulasyon ng merkado at sistemang legal. Kinokolekta ito ng ating pamahalaan para magpagawa ng istraktura para sa ikau-unlad ng ating sariling bansa.


No comments:
Post a Comment