TIPS SA PAGGASTOS NG PERA
Ito ang aking inihandang 'tips' sa paggastos ng pera. Madami ng taong hindi napipigilan gumastos ng madami. Paano nga ba natin ito maiiwasan?
- Laging ilista kung ano ang kailangan - Dapat lagi kang may listahan ng mga gamit na kailangan mo upang hindi mo ito makalimutan.
- 'Wag munang tumingin sa kagustuhan - Ihuli natin ang ating mga luho upang mas matugunan natin ng pansin ang ating pangangailangan.
- Limitado ang perang dadalhin - Hindi tayo pwedeng magdala ng sobrang daming pera, lalo na't wala din naman masyadong katuturan ang bibilhin.
- "Kapag meron pa, 'wag muna" - Ang katagang personal na aking sinusunod. Kapag meron pa, 'wag na muna tayong gumastos para bumili ng panibago.
- Magtabi agad ng halagang iipunin - Ito ang sinasabi na pag-iimpok
- Bawasan ang luho - Dahil ang luho na ito ay ang magiging dahilan ng pagiging kapos para sa pangangailangan.
- 'Wag ubusin ang pera (sa wallet) sa isang araw - Hindi porke't may laman ang wallet mo ay dapat mo ng gastusin lahat ng laman sa isang labasan lang.
No comments:
Post a Comment